Wednesday, March 14, 2012

 
 
"MAGAGANDANG TANAWIN SA PILIPINAS"
 
 
 Masasabi ba natin na nasa magandang kondisyon pa rin ang ating kalikasan ngayon?
Kung ating titingnan ang bawat anggulo makikita natin na ang kalikasan ay patuloy na sinasamantala ng mga tao.
Nasabi ko yun dahil iyon ang aking nasaksihan.
Karamihan sa mga tao ay patuloy pa rin ang pagpuputol ng mga puno sa kabila ng LOG BAN na pinapatupad sa buong bansa sa kadahilanan upang maiwasan ang nangyari sa Real, Infanta at ibang parte ng Quezon.
Hindi lingid sa atin na nagkaroon ng baha,landslide at malakas na pag ulan ang sanhi noon,
na nagdulot ng pagbubuwis ng buhay ng maraming tao.
Dahil sa pagtotroso ng walang humpay nakalbo ang kagubatan doon.
Imbis na gawing halimbawa ang nangyari tila hindi natinag ang iba na patuloy pa rin sa paglalapastangan sa inang kalikasan.
Kung hindi sila titigil malamang na mangyari sa ibang lugar ang nangyari sa Quezon.
Kapag tuluyang nasira ang kalikasan tayong mga tao ang magdurusa at malamang magkaroon ng delubyo.
 
Sana lagi nating tandaan na kapag ang kalikasan ang gumanti hindi natin ito mapipigilan at hindi matatakasan...
tumulong tayo sa pagpepreserba ng kalikasan para maiwasan ang anumang kapahamakan sa darating na panahon
 

No comments:

Post a Comment