"TIGIL PASADA"
Bakit nga ba nagtitigil pasada ang mga tsuper? Anu-ano ang mga dahilan? Ano ang nakukuha nila sa tigil-pasada?
Sa aking palagay, nagtitigil pasada ang mga tsuper at iba pang sektor na sumusuporta dito upang makuha nila ang atensyon Pangulo at ng mga taong nasa kinauukulan. Ang tigil pasada ay isang paraan upang maipahayag nila ang kanilang saloobin sa mga sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Iginigiit ng mga tsuper na ibaba na ang presyo ng langis dahil sila ang higit na naaapektuhan dito. Kung hindi naman sila mapagbibigyan sa kanilang hiling na ibaba ang presyo ng langis, nais na lang nilang taasan ng gobyerno ang minimum rate ng mga sasakyang pampubliko katulad ng Jeep at Bus. Nais nila na mula sa 8.50 minimum rate ay dagdagan ito ng 1.00 hanggang 1.50 upang masabayan naman nila ang napakataas na presyo ng langis.
Lagi na lamang sinasabi ng gobyerno na ang pagtaas ng langis ay bunsod lamang ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado. Ngunit sa aking opinyon, may magagawa naman ang gobyerno upang tulungan ang mga tsuper sa mabigat na suliranin na kanilang pasan pasan. May inilunsad ang gobyerno na diumano'y tulong sa mga ito ang Pangtawid-pasada Program. Sana nga ito ang sapat na upang makatulong. Ngunit sa aking tingin ay malayu-layo pa ang tatakbuhing laban ng mga tsuper upang makamit ang kanilang minimithing kaginhawaan.
No comments:
Post a Comment